V. REKOMENDASYON AT KONKLUSYON SA PAG-PAPAUNLAD NG TURISMO
Hindi maikakaila na ang lunsod ng Marikina ay isa sa mauunlad na lunsod sa bansa. Ang pananaliksik na ito ay nagtalakay at inimbestigahan ang pagkakadawit ng turismo sa pag-unlad ng munisipalidan ng Marikina. Sa pananaliksik din na isinagawa, nalaman at naungkat pa ang iba pang industriya sa lunsod bukod pa sa turismo kung saan sila kilala. Katulad na lamang ng industriya ng sapatos. Kasabay nito, sinaliksik din ng pag-aaral ang mga suliranin na kinakaharap ng mga industriyanf ito. Nagbigay din ang pag-aaral ng ilang natatanging katangian ng turismo sa marikina kung bakit ito ay nagdudulot ng pagunlad sa lunsod at mga kalakip nitong mga kahinaan. Sa huli, masasabing tunay na daan ang turismo ng lugar bilang isa sa mga salik sa pag-unlad nang buong Marikina hindi lamang ng mga tao kundi pati na rin mg pamahalaan.