Hindi maikakaila na mayroong mga suliranin na maaaring mangyari sa pagunlad ng turismo sa Marikina. Ang isa na dito ay ang kawalan ng pondo ng gobyerno pati na rin ng kawalan ng atensyon. Kapag ang gobyerno ay nagkulang sa pondo pati atensyon sa pagunlad ng turismo sa marikina maaaring ito ay onti-onting bumagsak. Maaaring hindi na ito mapaganda o lalo pang makapaghikayat ng mga turista. Maganda kung ito ay pagtutuunan ng pansin at papagandahin ng husto saka panatilihin ang ganda nito nang sa gayon ang mga turista ay hindi naman mawalan ng gana kapag ang Marikina ay hindi magandang lugar dahil sa kawalan sa pondo.
Ang isa pang suliranin na maaaring mangyari ay kapag ito ay nagkulang ng mga “advertisements”. Sapagkat kapag ito ay may “advertisements” mas makakapagenganyo ito ng mga turista at lalong hahagot ng mga tao sa iba’t-ibang lugar na hindi lang sa ibang bansa kindi pati na rin sa ibang bansa. Maganda kung ito ay magkakaroon ng kaakit-akit na “advertisements” upang ang mga tao ay “ma curious” at sila ay magpupunta.
Isa pang suliranin ay kulang sa mga “tour guides” sapagkat kapag kulang ito sa tour guide at ikaw ay turista na bago sa lugar nanaisin mong may mga tao na magpapaliwanag sa iyo ng iba’t-ibang lugar na as Marikina. Tsaka pag may mga “tour guide” mas maiintindihan ng mga dahuyan ang bawat lugar.
Dapat nating alalahanin na sa pagtatayo ng turismo sa Marikina dapat ay iniisip kung anu-ano ang mga bagay na makakatulong upang ito ay lalong lumago at mga paraan upang ito ay hindi pagsawaan at balik balikan ng mga tao.