Ang Mga Lugar na pang Turismo
Napakayaman ng turismo sa Marikina at ito ay kitang-kita sa mga pangunahing lugar nito. Karamihan sa mga ito ay kung hindi pinaganda at pinalitan ng bagong mga gusali ay nagpatayo ng bago mga pasilidad. At ang ilan sa mga kabilib-bilib na mga lugar sa Lunsod ng Marikina ay napakarami at lalo pang nadaragdagan. Ang ilan sa mga ito ay and mga sumusunod.
Marikina Public Market
Ito ay katangitanging konsepto ng pagpapalawak ng palengke na hindi na nangangailangan ng pagtatayo ng bagong gusali.
At kasama ng proyektong ito ay ang paglalagay ng "covered walk"
mula sa mga sakayan hanggang palengke nang sa gayon ay mas maging maginhawa ang pagpunta ng mga mamimili dito kahit ano man ang maging panahon.
Tinawag na "People's Mall", ang pagbubukas ng programang ito ay nakabuti sa pakikipagkompitensya ng mga nagtitinda sa palengke laban sa mga supermarket at groceries dahil sa kakayahan nilang abutin ang mga kinakailangan ng nakararami sapagkat dito ay malinis at maginhawa. Nakapagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga sidewalk vendors upang makapaghanapbuhay sila sa ligal na paraan.
Dahil sa striktong pagpapatupad ng batas ukol sa kalinisang pangkalusugan, ang Marikina Public Market ay malawakang nakilala bilang malinis, ligtas at walang daya. Kinilala rin ito bilang Best Public Market sa National Capital Region at sa Pilipinas noong 1998 ng Department of Health at ng National Consumers Affairs Council.
Doll Museum
Binubuo ng mahigit sa 500 na gawang-kamay gamit ang papel ng batikang artistang Pilipino at fashion designer na si Patis Tesoro. Ang Doll Museum ang tumayo bilang pinakamahalagang aspeto ng pagbabago ng Marikina.
Ang mga manika ay naka-display sa 48 na estante. Dito rin binibigay tuo ang walang kapantay na tradisyon at kabaitan ng mga Marikenyo. Mula sa mga family reunions at mga buglaang sama-samang pagsasalo-salo sa mga kapit-bahayan hanggang sa mga pinakamahahalagang pagdiriwang, lahat ito'y ginaya at pinakita sa mga dayorama.
Bawat eksena ay nagpapakita ng mga katangian ng mga Marikenyo na natatangi sila sa iba: masigasig na pagtratrabaho, pagigigng disiplinado, pagiging matatag sa mga pagsubok at puno nf pag-asa.
Ang pagbisita sa Doll Museum ay di lamang pang-isahang besena pagkakita sa mga yun, hindi ito pansamantalang katuwaan sa mga manika, ang kahalagahan nito ay ang karanasang talaga namang masarap alalahanin.
Marikina River Park
Ang Marikina ngayon ay simbulo ng pagbabago pagkatapos ng pagpapalit nito mula sa napabayaang likas na yaman payungo sa naisalbang tributaryo---ngayon tinuturing ito bilang pinakamalaking sports park sa bansa. Ito ay nagsisislbi bilang sentro ng programa ng turismo sa lungsod. Walang duda, na ito ay naging pinakatatak ng Marikina. "Kailangang madama at maamoy ang tubig", ang pinaka sikat na sinasabi ng mga Marikenyo lalo na noong termino ng dating Mayor at ngayon ay MMDA Chairman Bayani Fernando noong 1993.
Noon, ang Marikina ay imahen ng kawalang pag-asa at walang buhay na ilog na may mga buntong basura. Nang maging sprots center ito, ang nagpatunay na ang paliligtas ng ilog ay hindi madaling gawin ngunit hindi imposibleng makamit. Ito ay nagbigay ng karangalan sa lungsod ng Marikina sa lokal at sa pang ibang bansa. Ito rin ang naging dausan ng Marikina Christmas Festival tuwing Disyembre.
Teatro Marikina
Itinatag at binuksan ito noong Disyembre 2002. ang Teatro Marikina ay pagpapakita ng pananagutan sa Pag-unlad ng kultura at sining ng lungsod. Ang mga pasilidad dito ay nagagamit sa mga konsyerto, exhibits, seminars at mga dula. Ang iskultura na makikita pagpasok ng teatro ay gawa ni Sajid Imao na isang Marikenyo at isa sa mga nakatanggap ng parangal ng Ten Outstanding Young Men 2002.
Parte ng paghahangad ng Marikina na maging "Little Singapore" ay ang pagpapaalam na ang Marikina ay ang sentro ng sining, kultura, pampalakasan at turismo sa pamamagitan ng Teatrong ito.