II. MGA INDUSTRIYA SA MARIKINA AT ANG KANIKANILANG KATANGIAN

A. ANG INDUSTRIYA NG SAPATOS


Ang Marikina City ang gumagawa ng magaganda, dekalidad, matibay at higit sa lahat ay world-class na mga sapatos. Noong 1978 hanggang 1982, and mga sapatos na gawa sa Marikina ay humataw ang bentahan sa Fifth Ave., New York City dahil dito nakilala ang Marikina hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Humigit kumulang 139 paggawaan na ng mga sapatos ang naipatayo noong 1935. Noong 1983, ang Marikina ang nagpoprodyus ng pitumpot pitong porsyento ng mga sapatos sa buong Pilipinas.



Sa lahat ng indrustiya sa Marikina, ang paggawa ng sapatos ang pinakamalaki dahil na na din sa galing ng isip para sa desinyo at tibay na paggawa ng mga Marikenyo. Ang Rusty Lopez, Otto Shoes at Gibi Shoes ang ilan sa mga pinakakilalang gumagawa ng sapatos sa Pilipinas at naibebenta na din sa ibang panig ng mundo. Ngunit sa lahat ng tagumpay na ito, dumami ang lumalaban sa paggawa ng sapatos. Nagkaroon pa ng mga isyu na ang ilang sapatos na ibenebenta sa Pilipinas ay nagmula daw sa Estados Unidos pero sa katotohanan gawang Marikina ito. Hindi na natin mai-aalis sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng colonial mentality na mas binigyang-pansin ang produkto ng mga dayuhan.

B.ANG IBA PANG INDUSTRIYA NG MARIKINA

Bukod sa napakalagong industriya ng turismo at sapatos, meron din iba pang mga industriya sa loob ng Marikina na nakakatulong din ng malaki upang lumago pa ang lungsod. Kabilang dito ang industriya ng paggawa ng mga wallet, bag, at tsinelas. Mapapansin na ang mga nabanggit ay malapit at may kaunting pagkakahawig sa industriya ng sapatos katulad na lamang ng industriya ng tsinelas. Ito ay sa kadahilanang pareho ang proseso at karamihan sa mga materyales sa paggawa ng mga produktong ito. Mahihinuha lamang dito na napaka maabilidad at maparaan ang mga taga Marikina. Kalimitan na malakas ang mga industriyang ito kapag papalapit na ang pasko at ang tag-araw.
Ngunit sa mga industiyang ito, may nakitang mga kahinaan habang ginagawa ang pag-aaral. Ang mga ito ay paunti-unti lamang ang bentahan at maliit lamang ang tibo. Madalasan lamang ito mabenta at problema din ang kompetisyon sa dami ng nga pumapasok sa ganitong linya ng negosyo at kasama na rin dito ang mga kalabang dayuhan na mga produkto.