I. ANG MARIKINA

A. Ang kasaysayan ng Marikina


Taong 1956 nang ang Marikina ay simulang pamahayan ng mga mamamayang gumagawa ng mga sapatos. At hindinagtagal noong taong din na iyon ay kinilala na itong kapitolyo ng mga sapatos sa buong Pilipinas.


Noong Nobyembre 1975, nagawa ang Metro Manila Commission sa ilalim ng Presidential Decree No. 824 na naghahati sa mga lunsod sa kamaynilaan at doon din naideklarang ang Marikina ay opisyal na naging bahagi ng National Capital Region o ang kalakhang Maynila.



Sa sumunod na eleksyon noong Hunyo 1992, ang pangalan ni Bayani Fernando ang nangibabaw at kinilalang alkalde ng bayan ng Marikina. Sa mga programa ng alkalde, tinulungan nito ang Marikina na mailabas ang natatangi nitong ganda at mga potensyal.Kalakip nito, ang Marikina ay tumuloy-tuloy na sa pag-usad hanggang sa makilala ang lungsod sa bansa at ito ay dali-daling naging urbanisado sa pagsumite ng Republic Act No. 8223.

Ang may-bahay ni Bayani Fernando na si Marides Fernando ang sumunod na naluklok sa pagka-alkalde sa lunsod noong Hunyo ng 2001. At hindi naman niya binigo ang mga marikenyo at itinuloy ang nasimulan ng kanyang asawa. Sa kanyang termino, nagantimpalaan ang lunsod bilang Most Competitive Metro City in the Philippines.

B. Mga Katangian ng Lunsod

Ang katangitanging manipestasyon ng bayan ay ang kalinisan at ito ay hindi maikakaila sa buong lunsod. Ang Marikina din ay organisado sa kanilang sistema at sa kasalukuyan ay nakikipagsabayan sa makabagong teknolohiya na kapansin-pansin din sa loob ng kanilang munisipyo. Lahat ng mga tao ay disiplinado at sumusunod sa mga batas na mahigpit na ipinapatupad sa lunsod. Katulad na lamang sa pagtawid sa tamang tawiran at pagsakay sa tamang sakayan. Isa pa ay ang pag-rereport o pag-susumbong sa himpilan kapag ang isang yunit ng ambulansya ay hindi nakarating sa tamang oras upang magligtas ng buhay ng mga taong nasa piligro. Sa ganitong mga paraan, kontrolado at tinuturuan ng pamahalaan ang mga tao na maging responsable at sa tagal ng panahon, ang ganitong kasanayan ay naipapasa na at patuloy na lumalaganap.

Sa Marikina rin ay meron itong katangian na maraming industriya at pagyabungin pa ito. Sa pag-usad ng pananaliksik, iisa-isahin nito ang mga industriyang ito, kasama na ang turismo, na nakakapag palabas ng mga magagandang katangisn ng Marikina at ang mga mamamayan nito.